Sa Aking Paglalakbay
Sa Aking Paglalakbay
~ Jez
Yumaon man ang aking talampakan
na nakayapak sa mabundok o
magaspang na kapalaran . . .
tahakin ko man ang malamig
na lilim ng kagubatan . . .
O Salubungin man ang
dakilang dagsa
sa talon ng iyong kinaroroonan.
masilip ka lang aking irog
di baleng maselan
di baleng masaktan
di baleng mahirapan
ika’y makasama sana
kahit sa payak at kakarampot
na sandali ng paghinga
pagbuklat ng mga mata
paglasap sa bawat paghinto’t
pag-ikot ng maliksi’t sakim
na pagtakbo ng orasan
Sana, sana, sana. . .
mapagmasdan kita
O mahal, malayo man ang agwat
ng mundong ating
tinatayuan,
magkaiba man ang linggwahe
ating nalalaman
di man magkatulad ang kultura ating
nakasanayan
tulay ng pag-ibig ‘y
siyang mananaig
na magtutugma sa
dalawang batis
na di magkapares.
Comments
Post a Comment