Dalawang Buwang Nakangiti
Dalawang Buwang nakangiti
tila ba biyaya sa kadiliman
ang paghihikayat nilang masidhi.
Sa uniberso'y
naghihimok ng tanaw . . .
tila, gustong mamasilong,
ng animnaput Araw
sa biloy ng kan'lang tuwa
kanlungan niyang gawa
dadami man ang mananahanang
bituin na parang butil sa paningin.
magpapatuloy pa rin
sa mumunting lupain
ang binatang nakatingin
sa pagrami ng buwan sa dilim
#metapuns #practicing_tagalogLanguage
Comments
Post a Comment