LIMANG BUWAN NA KITANG MAHAL


Sa pag-idlip ng araw
Mula sa bigat ng dinaraan
Pagkawala ko’y
Balikat ko sa bawat
minutong paghakbang

Pinalampas ng taon
mapanglaw na
himig ng aking mga nota
Pagkataon ko’y sampal
sa pagtalaga
ng aking tunay na musika

Hanggang sa pagkaway
at pamaalam ng Septyembre
Batid ko ang liwayway
ng sampong araw ng Octobre:
Dama ko ang labis na pagsinta
Galak at saya . . .
Sa wakas di na ako mag-iisa! :’(

Dinalaw ng pag-ibig mo
kanlungan
ng lungkot sa damdamin ko.
Buhay . . .
sa pintuan ay nagbukas
tila nakalimutan ko
ang pagdalaw ng undas

Dumating ang Disyembre
malungkot na karaawan;
di mo ko binate
sa harap ng karamihan
Muling binalikan
Pangamba ng nakaraan.
Ako’y sobrang nasaktan. . .

Gayunma’y mahal pa rin kita
kahit sa paglimot mo sa Enero

Sinulatan ng tula sa labis na
pagkabalisa:

“Di mo namalayang
sa paggising mo’y 
palubog na ako
 kaya ‘tong hiram na liwanag
ko’y babalik ko na sayo
nang magkagayo’y 
pagkabukas o ngayon
‘tong pang-apat na buwan
di na muling aahon” 

Hanggang umabot sa lima
mga buwang nakangiti
tatlong-daang araw na saya
dahil sa balangkas ng
probidensya Niya.
Mahal pa rin kita,
walang nagbago;
ito'y dahil sa biyaya niya.

(To Be Continued)

Comments

Popular Posts

Story of Hinilawod

GOMBURZA: The Execution of the Three Priests

OUR JOURNEY COUNTS BETTER